27

By

Nadal kinasal na sa longtime partner

Ikinasal na si tennis superstar Rafael Nadal sa kanyang 14 years partner na si Maria Francisca Perello nitong Linggo (Manila time) na ginanap sa Mallorca, Spain.

Ayon sa balita, 350 guests ang imbitado sa private ceremony ng dalawa sa La Fortaleza.

Ilan sa mga napabalitang umattend sa kasal si Juan Carlos I of Spain, hari ng Espanya mula 1975 hanggang 2014.

Samantala, inaasahan naman na balik tennis court si 19-time Grand Slam champion Nadal sa Rolex Paris Masters sa katapusan ng Oktubre bago tumungo sa season-ending Nitto ATP Finals sa darating na Nobyembre 10-18 sa The O2 in London.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?