128

By

Nabong kay Stephenson: ‘Di ka bagay dito, pang-NBA ka!

Sa kabila ng kaliwa’t kanang trash talk-an ay punuri pa rin ni Kelly Nabong si Lance Stephenson matapos magkrus ang kanilang landas sa semifinals ng East Asia League Terrific 12.

Ayon kay Fil-Am player Kelly Nabong ay tila nagpalitan pa sila ng magagandang salita ni Lance pagkatapos ng laban ng Beermen kontra Liaoning Flying Leopards.

“I told him after the game that he doesn’t deserve to be in this league. He needs to be in the NBA where he belongs,” ani Nabong. “He has no reason to be here. He should be in the NBA.”

Ngunit kahit na ex-NBA player pa ang nakatapat ng Beermen ay hindi naman nagpatinag sina Nabong at Chris Ross, na nakakuha pa ng technical foul mula sa dikdikang laban.

Wala namang samaan umano ng loob at tila propesyunal pa rin naman ang tingin nila sa isa’t isa.

“There’s no beef. We shook hands after the game. It’s fun during the game, but once it’s over, we shake hands and go our ways,” pahayag ng 29-anyos na si Stephenson matapos itanghal bilang MVP ng torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?