49

By

Nabastusan sa Kanong coach! Jarin sinigawan si Byrd

Masama ang naging timpla ni National University coach Jamike Jarin kay La Salle active consultant Jermaine Byrd dahil sa timeout nito sa dulo ng laro.

Nang matanong si Jarin, dapat umano ay hindi na nag-timeout si Byrd, 1:23 ang natitira sa game clock dahil abante na ang Archers ng 24 sa 85-61 na score.

“Who wouldn’t [get mad]? It’s unwritten ethics,” ayon kay Jarin. “Everybody knows that, not only in basketball. I don’t know what his intentions were. I think he just wanted to field in the other guys.”

Paliwanag naman ni Byrd, hindi niya intensyong bastusin ang NU Bulldogs, dinepensa na kinailangan lang mag-timeout para mapaupo na si Justin Baltazar, na kumana ng tig-25 points at rebounds.

“My best player was cramping up the whole game. He was getting fouled all game. He had to come out of the game. So I called on him to forget about the game,” ayon sa kanya.

Sa dulo ay tinanggihan ni Jarin ang pakikipagkamay ni Byrd, nag-sorry na ang DLSU consultant at kalauna’y napalambot na rin ang NU coach.

“We’re all humans. I have no problems with that. I accept that,” sey ni Jarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?