350

By

Nabanas sa pagtapon kay Lonzo! Lakers ‘di na mananalo ng championship – Lavar Ball

Bago pa pumasok ang mga anak sa NBA, isa lang ang sinisipat na destinasyon ni Lavar Ball para sa kanyang panganay na si Lonzo, ito ay sa Los Angeles Lakers.

Natupad ang kahilingan, kinuhang second overall pick ng Lakers, dalawang taon ang nakalipas, itinapon sa ibang koponan kapalit ni Anthony Davis.

At hindi naiwasan ni Lavar Ball ang manggalaiti sa Lakers, sinira ang pangarap para sa anak.

Ilang sandali matapos ang trade, hindi nagpatumpik-tumpik si Lavar, sinumpa ang Lakers na ‘di na mananalo ng tropeo.

“I guarantee… it will be the worst move the Lakers ever did in their life and they will never win another championship. Guarantee it,” ayon kay Lavar sa panayam kay Ohm Youngmisuk ng ESPN.

Saad pa ni Lavar, magiging maganda ang takbo ng basketball career ni Lonzo sa Pelicans, lalo pa pag nakapareha umano nito si projected first overall pick Zion Williamson, habang ang Lakers umano ay makikilala bilang koponan na madalas magpakawala ng magagaling na manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?