505
bangkay
By

Naaagnas na bangkay ng lalaki, natagpuan sa condo

Dahil sa hindi na matiis ang umaalingasaw na amoy kaya puwersahang binasag ang pinto ng isang condominium unit sa Mandaluyong City.

Batay sa report, nadiskubre ang bangkay alas-tres ng ng hapon noong Mayo 8 sa loob ng Room 22-B 22nd Floor ng Zitan Condominium na matatagpuan sa No. 730 Shaw Blvd., Greenfield District, Brgy. Highway Hills.

Nakilala ang biktima na si Allassane Conde, 43, natagpuang halos naaagnas na ang buong katawan ng isang empleyado ng condo na si Juan Beninsig matapos na silipin nito ang bintana ng unit upang malaman kung may tao sa loob ng kuwarto at saan nanggagaling ang mabahong amoy.

Ayon sa report ng Mandaluyong Police, nagreklamo ang mga condo tenant na sina Ces Baysa at Rica Froilan, katabing unit ni Conde, dahil sa unit ni Conde nagmumula ang umaalingasaw na amoy.

Kasama ang security guard na si Raffy Pica at Beninsig, puwersahan nilang binuksan ang pinto at doon na tumambad sa kanila ang naaagnas na bangkay ng biktima.

Narekober mula sa bahay ng biktima ang ilang tableta ng Cialis at black ant pills na mga sangkap ng Viagra.

Dinala ang bangkay sa Quiogue Funeral sa Pasig City para sa post mortem examination habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?