177

By

Na-starstruck: Kathryn gustong makatrabaho si Marian

Nag-guest si Kapamilya actress Kathryn Bernardo sa “Unang Hirit” ng GMA Network kasama si Alden Richards para sa promotion ng upcoming movie nilang “Hello, Love, Goodbye”.

Naitanong sa magandang aktres kung sino sa Kapuso artist ang gusto niyang makatrabaho.

Isang maikling “Miss Marian Rivera” ang isinagot ni Kathryn.

Paliwanag niya, si Marian lang umano ang artista na na-starstruck siya.

“Hindi kami nagkasama pero nagkikita kami sometimes sa events. Pumunta siya nung debut ko, sobrang saya ko no’n. For me, siya ‘yung pinakamaganda sa buong mundo, Marian Rivera,” sabi niya.

Si Kathryn noong 2010 ang gumanap sa role ng batang Marian sa Pinoy version ng Korean drama series na “Endless Love”.

Samantala, nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang “Hello, Love, Goodbye” sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina sa July 31, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?