753

By

Na-Japeth! Abueva natapyas ang angas

Maraming mga Ginebra fan ang nanggalaiti sa pang-aalaska ng Phoenix Fuel Masters star lalo na sa slashing gesture nito sa second half ng laro.

Ngunit naging maganda naman ang buwelta ng Ginebra para sa libong tagahanga nila, nakatakas ng panalo, 100-97, na mas lalo pang naging matamis sa bisa blangka ni Japeth Aguilar kay Abueva.

Ayon kay Calvin, wala na umano siyang magagawa dahil talagang mahaba ang galamay ng Ginebra forward.

“Mahaba eh. Wala tayong magagawa. Open, pero na-Japeth Aguilar eh,” he said.

“Muntik pa nga kaming manalo eh. Ang importante, ginawa namin ang trabaho namin ng maayos. Nandoon pa rin yung sistema namin na maglaro as a team,” aniya pa.

Kahit talo, nasa tuktok pa rin ng standings ang Phoenix hawak ang 8-2 record, tatangkaing tapusin ang elims hawak ang twice-to-beat advantage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?