82

By

Mystery guy na kasama ni Vina Morales sa US, usap-usapan ng mga netizen

Kahit jam-packed ang concert schedule ni singer-actress Vina Morales sa US, hindi nito nakalimutan na makipag-bonding sa mga mahal niya sa buhay na naka-base dito.

Dumalo siya sa graduation ng pamangkin niyang si Sofie at nakipag-bonding sa kaniyang sister na si Sheryl Magdayao.

Nag-post din si Vina habang kasama ang isang mystery guy habang nasa Manhattan Beach siya.

mystery

Hindi niya sinabi kung sino ang lalaki kaya tinukso tuloy siya ng ilang celebrities gaya nina Zsa Zsa Padilla at Ruffa Gutierrez.

“Uy!!!!!!!” sabi ni Zsa Zsa.

“Girllllll I’m Cupid!!” asar naman ni Ruffa.

Pinusuan din ito ng mga netizen

View this post on Instagram

#VMtravels

A post shared by Vina Morales (@vina_morales) on

Wala nang narinig pa sa love life ni Vina mula noong 2017 kung kailan niya inanunsiyo ang pakikipaghiwalay sa French non-showbiz boyfriend ng dalawang taon na si Marc Lambert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?