359

Feb 2, 2019 @ 19:54
By

Mylene-John paghaharap inaabangan

Nagbabalik si Mylene Dizon sa GMA-7 at kasama siya sa primetime series nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali na Sahaya.

Huling lumabas sa GMA teleserye si Mylene ay noong 2015 at teleserye rin nila Miguel at Bianca na Once Upon A Kiss ang ginawa niya.

Hindi pa nilalabas ng Kapuso network ang official release ng Sahaya kaya wala pang nakakaalam kung ano ang role ni Mylene.

Sa unang balitang pagbalik ni Mylene sa GMA-7, sa teleserye na Dragon Lady siya makakasama. Pero ang naging final ay ang isama siya sa cast ng Sahaya.

Kasalukuyan kasing walang ginagawang teleserye sa ABS-CBN si Mylene kaya niya tinanggap ang offer ng GMA.

Huli siyang napanood sa teleserye na The Good Son kunsaan nabalitang may naganap na hindi magandang insidente sa kanila ni John Estrada na naging dahilan daw sa paglipat ng aktor sa GMA.

Magkrus kaya ang landas nila Mylene at John sa bakuran ng Kapuso network? Nagkaayos na kaya sila?

Anyway, ang iba pang nasa cast ng Sahaya ay sina Migo Adecer, Zoren Legaspi, Ana Roces, Ashley Ortega, Pen Medina, Jean Garcia, and Eric Quizon. At kasama rin sina Jasmine Curtis-Smith, Gil Cuerva, at Benjamin Alves in very special roles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?