729

Mar 2, 2018 @ 11:19
By

Mylene dedma sa isyu kay John Estrada, showbiz reporter

Nagpasalamat si John Estrada sa kanyang mga followers sa Instagram sa suportang ipinaramdam nang mga ito sa kanya sa pagkastigo nya sa sinulat ng entertainment columnist na si Ador Saluta sa kolum nito sa Bulgar, ang “Ador Me”.
Sinulat ni Saluta na hindi lang sinikmuraan, kundi sinampal at hinipuan pa nito ang aktres na si Mylene Dizon sa eksena nila sa serye nilang “The Good Son”.

Nakuha ni Saluta ang balita mula sa isang FB source na naka-tsikahan raw niya at sinulat rin niyang may problema raw sa pamilya nya si John at nadala niya ito sa trabaho, kaya raw nasaktan nito at natsansingan si Mylene.
Ayon pa sa source ni Saluta sa FB, nagkaroon nang samaan nang loob sina John at Mylene, kaya mula noon ay hindi na sumisipot sa taping nya sa serye ang aktor dahilan para posinleng patayin ang karakter nito at tanggalin na sa programa.

Sa message caption ni John, tinawag niyang sinungaling, ogag (gago) at matanda ang sumulat.

Pikon at galit si John sa ibinaitang ito ni Saluta sa kanyang kolum na ayon sa kanya ay pawang walang katotohanan.
Sinabi pa nitong sa tagal na nya sa industriya wala ni sinumang leading ladies nya ang nagri-reklamo sa kanya at hindi raw sya tinuruan nang mga magulang nyang manakit ng sinumang babae.

Ipinagdiinan ni John na masaya sila nang kanyang asawang si Priscilla kaya hindi totoo ang nasulat nito.

Nagbanta si John na kakasuhan nito si Saluta at sinabihan sa mensahe nitong maghanda na ito ng kanyang abugado.

Sa pinakalatest comment ni John sa parehong posting nya, pinasalamatan niya ang kanyang mga followings sa mga encouraging favorable comments ng mga ito sa kanya.

Binanggit rin nya ang kaibigan at golf partner na si Derek Ramsay na nag-comment sa isyu, pati ang misi niyang si Priscilla Meirelles.

@john_estrada, “to all of you who commented..maraming salamat po to all of your support,,to my wife @primeirelles and my brother @ramsayderek07..thank you..i love you all.”

Samantala, nanatiling tahimik lang ang direktang sangkot sa isyu na si Mylene Dizon.

Sinusulat ang item na ito walang anumang posting si Mylene sa kanyang Instagram account ng komento, reaksyon sa lumabas sa dyaryo o kahit paglilinaw man lamang sa sinasabing samaan nila nang loob ni John.

Zumba groupie vids ang nakaposte sa IG wall ni Mylene nong huwebes kasagsagan nang isyu ni John sa nasabing kolumnista. Kasama ni Mylene sa vid ang co-Zumba dancers nya.

Inaasahang magbibigay nang official statement niya si Mylene tungkol sa controversy nila ni John para magkaroon na ito ng linaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?