45

By

Myanmarese houseboy, arestado matapos manakit ng menor

Sa kulungan ang bagsak ng isang Myanmar national matapos nitong saktan ang 12-anyos na anak ng kanyang amo sa isang exclusive subdivision sa Makati City na inulat kahapon.

Kasalukuyang nasa detention cell ng Makati City Police ang suspek na si Aung San, 30, ang stay-in na Myanmarese houseboy sa Barangay Dasmariñas Village sa nasabing lungsod.

Agad namang sinailalim sa medikal exam ang biktima na itinago sa pangalang Rafael, 12, matapos magtamo ng pasa sa katawan nito.

Batay sa pahayag ng ama ng bata, hindi na binanggit ang pangalan, ganap na alas-2:42 ng hapon nang sa hindi mabatid na dahilan ay sinaktan umano ng dayuhan si Rafael sa bahay nila.

Agad namang inaresto ng mga naka-duty guwardiya ang suspek at dinala sa nasabing himpilan ng pulisya.

Samantala, nakatakdang sampahan ang houseboy ng kasong physical injury alinsunod sa Republic Act 7610 o “Anti-Child Abuse Law”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?