126

By

Myanmar nag-groupie sa Gilas

Natambakan man ng 69 puntos sa pagtatapos ng laban, ‘di inalintana ng Myanmar basketball team ang masaklap na resulta, nagpakuha ng ‘group pic’ kasama ang Gilas Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa SM Mall of Asia Arena.

Nagpasalamat ang Myanmar dahil sa magandang laro sa kanila ng Gilas na nasa ilalim ni Barangay Ginebra coach Tim Cone.

“Thank you so much for your warmth hospitality and gracious welcome for our team,” sabi ni Myanmar coach Min Sue Mynt, kahit na nalasap nito ang 67-136.

Itinala ng ‘Pinas ang pinakamalaking 72 puntos na abante kontra Burmese, 131-59, bago tinapos ang laro.

Aminado ang coach ng Myanmar na ang 67 puntos ang isa sa pinakamaraming puntos sa kanilang paglahok torneo. Huling umiskor ng 68 ang visiting squad sa 2015 SEA Games kontra Cambodia.

Ikinatuwa naman ni Cone ang naganap na masayang tagpo sa kanilang labanan kung saan kinampihan ng mga nagsipanood ang mga Burmese.

“It’s awesome!!,” ani Cone. “The crowd showed they appreciate the effort of both team and they just want to also entertain themselves watching and enjoying the game.” (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?