100

By

Muslim Filipino community nagdalamhati sa pagpanaw ng MILF vice chairman

Naghayag ng pakikidalamhati ang tanggapan ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa pagpanaw ni Bangsamoro Transition Commission Chairman and MILF First Vice Chairman Gadzali Jaafar.

Si Jaafar ay pumanaw madaling-araw ng Miyerkules.

Ayon kay Secretary Saidamen B. Pangarungan, naging instrumento si Jaafar sa pagbuo ng BARMM.

Kilala aniya si Jaafar bilang lider na may busilak na puso.

Si Jaafar ay mas nakilala sa mga tagumpay na natamasa ng peace process sa Mindanao. Minahal siya ng mga komunidad sa rehiyon.

Nagsilbi din siyang Amerul Hajj noong 2018 at miyembro ng and BARMM parliamentary body.

Nagpapasalamat si Pangarungan sa aniya’y hindi makasariling serbisyo ni Jaafar at pagmamahal sa bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?