98

Mar 25, 2020 @ 16:14
By

Murderer nag-amok: 3 preso patay sa bilibid

Tatlong preso ang nasawi kabilang ang nagwalang bilanggo na walang habas na nanaksak habang tatlo ang sugatan sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Kapwa hindi umabot sa NBP Hospital ang mga inmates na si Pedro Pagador, 59 anyos, may kasong murder at attempted murder at ang dalawang nitong nasaksak na sina Ryan Aringgo at Amber Caja, kapwa nasa hustong gulang makaraang magtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang patuloy pa ring nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang tatlo pang preso na pansamantalang hindi muna binanggit ang mga pangalan at nagtamo ng mga minor injury sa pamamagitan ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Base sa isinumiteng report ni Bureau of Correction (BuCoR) Spokesperson Col. Gabriel Chaclag, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Maximum Security Compound sa loob ng NBP.

Ayon kay Chaclag, bigla na lamang nagwala ang presong si Pagador na armado ng improvise deadly weapon dahil sa labis na pagkakainit nito sa pag-aantay sa kanyang Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Dahil sa pagka-aburyo, bigla na lamang nitong naghabas ng saksak na kung saan sina Aringgo at Caja ang napuruhan agad nito hanggang sa nagkagulo na sa loob ng maximum security compound na kung saan kapwa sila naka-detained ang mga ito.

Matapos ang kaguluhan sa loob ng nasabing piitan dito na nakitang duguang ang suspek na si Pagador na nagtamo ng malaking sugat sa ulo at saksak din sa katawan nito.

Sinabi ni Chaclag, walang riot na naganap, kung saan ang inmates na si Pagador ay nagwala at walang habas na nanaksak at napatay nito ang dalawa at ikinasugat pa ng tatlong preso.

Dahil sa insidente sinabi ni Chaclag, isa sa mga tinitignan nilang dahilan sa pagwawala ng preso ay ang labis na pagkainip sa pag-aantay sa kanyang GCTA.

Base sa rekord si Pagador ay may kasong murder at attempted murder ay na sentenced ito noong Marso 1999 at na commit ito sa NBP noong Agosto 2000.

Sa ngayon ay patuloy pa rin nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Muntinlupa City Police hinggil dito.

Samantala sinabi pa ni Chaclag ang lahat nang nakakulong na preso sa NBP at sa mga personnel BuCor ay walang nagkakasakit at walang dinadapuan ng sakit ng coronavirus disease.

“Mahigpit po namin ipinapatupad ang social distancing dito po sa loob ng NBP at lagi po kaming nagpapa-disinfect sa lahat ng mga selda sa mga inmates po dito” ani ng tagapagsalita ng BuCor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?