72

By

Murder, torture kinaso vs 7 PMA cadet sa pagkamatay ni Dormitorio

Pormal nang kinasuhan ang pitong suspek sa pagkamatay ni Philippine Military Academy (PMA) cadet na si Darwin Dormitorio nitong Huwebes.

Dumulog sa Baguio City court ang pamilya ni Dormitorio para kasuhan ang pitong kadete na sina 1st class cadet Axl Rey Sanopao, 2nd class cadet Christian Zacarias, and 3rd class cadets Shalimar Imperial Jr., Felix Lumbag Jr., Julius Carlo Tadena, Rey David John Volante, at John Vincent Manalo.

Kakasuhan sila ng paglabag sa Republic Act 8049 o Anti-Hazing law at Republic Act 9745 o kilala ring Anti-Torture Act.

Bukod pa dito, murder case din ang tatambad sa pito maging ang dereliction of duty o pagsuway sa mga tungkulin.

Matatandaan na sumakabilang-buhay si Dormitorio noong Setyembre 18 dahil sa hazing kung saan ayon sa report ay kinuryente ang maselang bahagi ng kanyang katawan at binugbog din.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?