43
Munzon, Rike handang maglaro para sa ‘Pinas
Apr 3, 2019 @ 18:42
By ,

Munzon, Rike handang maglaro para sa ‘Pinas

Hindi naging madali ang tinahak ng Pasig Grindhouse Kings para makalusot sa kauna-unahang Chooks-to-Go 3×3 Asia Pacific Super Quest.

Matapos ang limang legs ng 2019 Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup, nasikwat din noong Linggo ang titulo sa torneo at makapasok sa Super Quest at 2019 FIBA World Tour Masters.

“This is my first championship here in the Philippines. Everyone put in the hard work which pushed me to find my next level. It was a long season, but I’m glad about how it ended,” sabi ni Troy Rike, isa sa mga miyembro ng Pasig.

Para naman kay Joshua Munzon, masarap sa pakiramdam na makuha ang titulo sa inaugural staging ng torneo at bawi lahat ng kanilang oras at pagod.

Para sa mga Filipino-American cager, pangarap nila na katawanin ang bansa sa mga international competition at isang malaking karangalan sa kanila ngayon ito.

“It’s an honor for me to represent my motherland. I’m grateful for the opportunity to be out here,” hirit ni Munzon.

Hindi naman ito unang beses na naglaro para sa bansa si Rike, noong Pebrero lang ay naging bahagi siya ng Mighty Sports Philippines na nag-bronze sa Dubai International Basketball Championship.

“The past few weeks, I’ve been talking a lot with my mom and my grandma about this opportunity to represent the Philippines. I mean, it’s just a surreal feeling to represent the Philippines,” sabat naman ni Taylor Statham.

Bukod sa tatlo, may dagdag lakas ang kampo sa tulong Nikola Pavlovic, na gagawin ang lahat para sa team kahit bago pa lamang ito.

Sa Sabado, Abril 6 magsisimula ang Super Quest sa SM Megamall Fashion Hall sa Mandaluyong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?