64

By

Mungkahing gawing National Artist si Eddie Garcia, aprub sa Malacañang

Pabor ang Palasyo sa mungkahing gawing National Artist ang yumaong beteranong aktor at direktor na si Eddie Garcia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kung siya ang tatanungin ay kuwalipikado si Garcia dahil sa naiambag nito sa industriya ng pelikula.

Pitumpung taon aniya na nasa movie industry si Garcia at sari-saring papel ang ginampanan nito para mapasaya ang publiko kaya’t hindi matatawaran ang mga nagawa nito sa sining.

Gayunman, sinabi ni Panelo na hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang magdedesisyon kung magiging National Artist si Garcia o hindi, dahil mayroong mekanismo na pagbabatayan at sa pagpili nito bago irekomenda sa Malacañang.

Trabaho umano ng National Commission for Culture and the Arts ang pagpili ng National Artist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?