37

By

Mungkahing cloud seeding ni Sotto, magandang idea – Phivolcs

Suportado ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) chief Renato Solidum ang mungkahi ni Senate President Tito Sotto na cloud seeding sa mga lugar na nagkaroon ng ashfall dahil sa pag-erupt ng Taal Volcano.

Ayon kay Solidum, makakatulong umano ang artificial rain na malinis ang mga abo mula sa ashfall, ngunit kailangan muna umano itong pag-aralan dahil pwedeng magresulta ng baha at mudflow.

“This has to be studied. Obviously kung masyadong maraming tubig, mawa-wash down ang abo sa gilid at may banta ng flood or lahars dahil inaanod ang abo,” ayon kay Solidum.

“In general cloud seeding is a good idea, but how to operationalize it, you really have to study it,” aniya pa.

Matatandaan na marami ang pumuna sa mungkahi ni Sotto dahil pwede umano ito magresulta ng acid rain, gayundin ang pagbuo ng lahar na nangyayari sa paghalo ng pyroplastic materials, debris at tubig na nagreresulta ng mapanganib na mudflow.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?