36

By

‘Mulan’ pinaboboykot ng mga netizen

Umugong sa social media ang #BoycottMulan matapos suportahan ng bidang si American-Chinese actress Crystal Liu ang police brutality.

Sa post ni Liu sa social media platform na Weibo, hayagan niyang sinuportahan ang mga Hong Kong police.

“I support Hong Kong’s police, you can beat me up now,” sabi ni Liu.

Magugunitang isa sa ipinoprotesta ng mga demonstrador sa Hong Kong ang pananakit ng mga pulis sa mga raliyista na tumututol sa extradition bill sa naturang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?