26

Mar 14, 2020 @ 18:33
By

‘Mulan’, ‘Fast and Furious 9’ at ‘No Time to Die’ tengga sa COVID-19

Postpone ang pagpapalabas sa mga sinehan ng “Mulan” at “Fast and Furious 9” dahil sa COVID-19.

Walang choice ang mga major studio kundi isuspinde muna ang theatrical release ng mga pelikula para malimitahan ang pagkalat ng virus.

March 27 dapat ang pagpapalabas ng live-action remake ng “Mulan” sa North American theaters habang postpone rin ng buong taon ang release date ng “Fast and Furious 9”.

Maliban sa “Mulan” at “Fast and Furious 9”, apektado rin ang scheduled releases ng “Peter Rabbit 2: The Runaway” at ang susunod na James Bond film na “No Time to Die”, na sa April 8 na sana ipapalabas.

Nausog ang releasing ng James Bond film sa Nov. 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?