56

Mar 26, 2020 @ 14:05
By

Mukhang garapatang busog! Thirdy Ravena nang-asar sa ‘Big 4 Trashtalkan’

Kahit ang dating ‘King Eagle’ na si Thirdy Ravena, nakisali na rin sa trashtalkan ng ‘Big Four’ university sa Metro Manila.

Unang pinatamaan si Thirdy nang sabihan na kamukha umano nito ang UST guard na si Mark Nonoy.

“Thirdy Ravena bat magkamukha kayo ni Mark Nonoy,” sey ng netizen na si Jimi Santiago.

Bumanat naman ang three-time UAAP Finals MVP, pinuna ang display picture ng netizen dahil Koreano ang ginamit na larawan.

“Nung nakita ko profile pic mo kala ko KPop ka, nung nakita ko totoong mukha mo, Kaypapanget pala,” banat ni Thirdy na pinaskil pa ang mukha ng kaasaran.

Sinabi pa ng Atenista na ‘mukhang garapatang busog’ ang netizen.

Dinamay naman ni Santiago ang kapatid ni Thirdy na si Kiefer, dahilan para magpakawala ng matitinding asar ang Gilas player.

Sinabihan nito na mukha umanong ‘fuckboy na bulldog’ ang netizen, at tinawag pa si Dave Ildefonso para makisali sa asaran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?