43

By

Mukha ni Federer sinalpak sa barya

Sa kauna-unahang pagkakataon, naglagay ng mukha ng isang buhay na tao sa barya ang bansang Switzerland.

Alam n`yo ba kung sino ito?

Walang iba kundi si Switzerland 20-time Grand Slam champion Roger Federer.

Naging mabango ang pangalan ni Federer sa buong mundo lalo na sa kanyang mga kababayan dahil sa ambag nitong 103 tour-level titles at 28 ATP Masters 1000s bukod pa sa nasabing 20 Grand Slam crowns.

Dahil naman sa paglalagay ng mukha ng tennis star sa bagong baryang 20-franc silver coin ay pinasalamatan nito ang kanyang pamahalaan.

Sabi ni @rogerfederer, “Thank you Switzerlandand Swissmint for this incredible honour and privilege.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?