80

By

MPBL team handang saluhin si Slaughter

Nagpahayag ng interes ang isang koponan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ngayong pahinga sa PBA ang 7-foot center na si Greg Slaughter.

Sa Facebook post ng Go For Gold PH, na sponsor ng San Juan Knights sa MPBL, sinabi nilang handa nilang tanggapin si Slaughter sa kanilang koponan.

“We can welcome Greg Slaughter with open arms next MPBL season,” ayon sa post.

Ngunit nilinaw ng Go For Gold PH na hindi naman ito pupwede dahil may height restriction ang grassroots league para sa mga Fil-American na 6-foot-4 lamang dapat ang tangkad.

Gayunpaman, nag-good luck ang San Juan Knights sponsor sa kung anuman ang maging future ni Slaughter sa labas ng PBA.

“Kidding aside, we wish him luck in his endeavors, still one of the gentle giants the Philippines has ever produced.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?