181
MPBL: Buenafe paandar sa Heroes
By

MPBL sinuway nina Vosotros, De Leon

Dalawang manlalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League ang bumalewala sa nilabas kamakailan na kautusan ng liga tapos kapwa pumirma at agad lumipat sa isang propesyonal na koponan sa Philippine Basketball Association.

Sila ay sina Almond Vosotros at Samboy de Leon na lumagda ng kontrata para maglaro sa TNT na kumakampanya sa kasalukuyan sa binuksan Martes ng gabi, Setyembre 17, na East Asia League Terrific 12 tournament sa Macau.

Isusuot nina Vosotros at De Leon ang uniporme ng KaTropa para sa isasagawa na Setyembre 17-22 na torneo pati na rin hanggang sa pinakahuli at ikatlong komperensiya ng PBA na Governors Cup simula sa Set. 20.

Pinagbawal ng MPBL sa mga manlalaro nila na kasalukuyang nasa aktibong koponan ang paglipat sa PBA habang nasa kasagsagan ng eliminasyon ang Lakan Cup 2019.

Si Vosotros ay naglalaro sa Caloocan Supremos habang si De Leon ay sa Iloilo Royals.

Napag-alaman sa ulat ni Gerry Ramos ng Spin.ph na si Vosotros ay may nakasaad sa kontrata sa Supremos na may “exit clause” na nagbibigay dito ng karapatan na makabalik sa PBA kung mayroong magbigay ng offer bago pa man lumabas ang bagong kautusan ng MPBL na inaprubahan nitong Agosto 21.

Dahil dito, ‘di mapaparusahan ang Supremos sa paglipat ni Vosotros gayundin ang dating Gilas Pilipinas guard na suspindehin i-ban ng MPBL na nakalagay sa memo kontra sa mga koponan o player na lalabag sa kautusan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?