42

By ,

MPBL Lakandula Cup binuksan ni Pacquiao

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-121 na kasarinlan ng Pilipinas, pormal nang binuksan ang ikatlong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Miyerkoles sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Tatawaging Lakandula Cup ang 2019-2020 season ng isa sa mga malaking amateur league ngayon sa bansa na nakatatampukan ng 31 koponan,

Pinangunahan ni MPBL founder at chief executive officer Senator Manny Pacquiao ang pagbubukas ng liga kasama ang commissioner na si Kenneth Duremdes at ilang opisyal ng liga.

“Today we shared the celebration by launching the third season of Maharlika Pilipinas Basketball League. Maraming pagbabago ang pinagdaanan ng MPBL, when we started we only have 10 teams which eventually expanded to 26 teams and this season we have a total of 31 teams,” wika ni Pacquiao.

Nagbanta rin si Pacman laban sa mga game-fixer na gustong sirain ang magandang reputasyon ng liga sa halos isang taon nitong pag-ariba.

“Gusto ko ang tao ay hindi niloloko, gusto ko ‘yung game laging competitive at walang hokus-pokus. Ayaw ko yung mga game-fixing, sa mga fixer get away from MPBL you have no room here,” dagdag nito.

Si Gab Banal ng Bacoor Strikers ang nanguna sa Oath of Sportmanship habang si Duremdes naman ang opisyal nagbukas ng laro

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?