44
Knights tinarakan ang Capitals 68-50
By ,

MPBL: Knights tinarakan ang Capitals 68-50

Sinamantala ng San Juan Knights ang home court advantage at pagkawala ng ilang ace players ng Quezon City Capitals para itarak ang 68-50 panalo sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa The Arena sa San Juan.

Nalimitahan ng San Juan ang Capitals na wala ang mga key player na sina Hessed Gabo, Andoy Estrella at Jeff Morillo.

Pangit din ang naging performance ng Capitals sa free throw area nang magpasok lamang ang kop[onan ng walo sa 33 tira.

Umariba para sa Knights ang dating PBA player na si John Wilson na tumapos ng 13 puntos at siya lang ang tanging nagtapos ng double figures sa tropa.

Sa panalong ito mas lalo pang napatatag ng San Juan ang kapit sa fourth spot ng Northern Division tangan ang 18-5 na baraha habang ito naman ang ika-11 talo ng Capitals sa 21 laro.

Sa unang laban, pinadapa ng Caloocan Supremos ang Laguna Heroes 76-62 at buhay pa rin ang pag-asa na makalusot sa playoffs.

Sa panalong ito nasungkit ng Supremos ang 10-14 win-loss record at nasa ikasiyam na pwesto pa rin ito.

Isang laro na lang ang natitira sa Caloocan at kailangan nilang maalpasan at maselyuhan ang huling playoffs spot kung papalarin na hindi lalagpas sa 10 ang panalo ng Quezon City, Navotas at Pampanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?