32
Iloilo, Nueva Ecija pasok sa MPBL
By

MPBL: Juico, Lanterns pinatulog ang Tigers

Angat ang Pampanga Giant Lanterns sa reigning Southern Division champion Davao Occidental Tigers, 65-62, sa huling laro nitong Huwebes ng gabi sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Season 2019 sa Angeles Foundation Arena.

Double-double performance ang hinataw ni Michael Juico nang gumawa ito ng 14 puntos at 11 rebounds upang ibigay ang ikawalong panalo sa Pampanga sa 12 laban sapat para okupahin ang fifth spot ng Group A North Division.

Nakakuha rin ng produksyon ang Giants Lanterns kina Felix Apreku at Levy Hernandez nang magsalpak ng krusyal na free throws upang iselyo ang laro at bigyan ang Tigers ng ikalawang talo sa 12 asignatura.

Sinamantala naman ng Navotas Clutch ang winless team na SOCCSKSARGEN Marlins, 88-82, upang idikdik sila sa ika-12 sunod na talo at malubog sa Group B South Division hawak ang 0-12 win-loss record.

Pinutol naman ng Valenzuela SPV TOP Marketplace ang kanilang ika-8 sunod na abiguan nang salyahin ang Imus Bandera, 73-67, sa unang laro nitong Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?