123
MPBL Finals Game 3: Clarito namayagpag
By ,

MPBL Finals Game 3: Clarito namayagpag

Binalikat ni Jhonard Clarito ang San Juan Knights kontra Davao Occidental Tigers 67-62 sa Game 3 ng National Finals ng Maharalika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup Martes ng gabi sa FilOil Flying V Centre.

Tumapos ng 12 puntos at 18 rebounds ang produkto ng De Ocampo Memorial College na si Clarito para ibigay sa Knights ang 2-1 na bentahe sa best-of-five series.

Nakatuwang din ni Clarito si Mike Ayonayon na may 18 points at si dating PBA player John Wilson ay may 12 puntos na dagdag at si Mac Cardona na may siyam na markers.

Depensa rin ang pinakita ng Knights kaya’t sala-salabit na turnovers ang tinala ng Tigers, na unang umararo sa first frame bago tuluyang lumagapak pagpasok sa payoff period.

Isang laro na lang ang kailangan ng San Juan para makuha ang kampeonato, na una nitong nasikwat noong 2000 sa Metropolitan Basketball Association (MBA).

Pumoste ng 15 markers si Bogs Raymundo para sa Tigers, na susubukang manakmal sa Game 4 para maipwersa ang isang do-or-die match sa kanilang bahay sa Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?