31

By

MPBL: Costelo bayani ng Zamboanga

Lubog ng 12 puntos sa huling tatlong minuto, kinumpleto ng Zamboanga ang rally tungo sa 83-82 victory laban sa Pasay Biyernes ng gabi sa MPBL Lakan Season sa Alonte Sports Center sa Biñan City.

Kumamada ng limang krusyal na puntos si Ryan Costelo sa final stretch para ibigay ang panalo saFamily’s Brand Sardines-supported squad upang punan ang pagkawala nina Harold Arboleda at Joseph Nalos.

Kinumpleto ng kanyang three-point play ang 12-2 run ng Zamboanga para sa panalo.

Tinapos niya ito sa pamamagitan ng short jumper sa final 16 seconds upang ibigay sa Zamboanga ang ikatlong panalo sa anim na laban.

Samantala, sumakay ang Biñan sa mainit na mga kamay ni Macky Acosta, na nagsalpak ng anim na tres sa pitong bato, para tulungan ang Krah-Heroes na pulbusin ang Basilan, 94-78.

Panalo rin ang Manila kontra Pampanga sa isa pang tampok na laban, 92-76.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?