41

By

MPBL: Coach Valencia lumayas sa QC Capitals

Tuluyang nagbitiw sa pagiging head coach ng Quezon City Capitals si Vis Valencia matapos makamit ang sunod-sunod na pagkatalo sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019.

Bukod kay Valencia, sumama rin sa pag-alis ang iba pa niyang miyembro ng coaching staff na sina Nel Parado, EJ Deveza, GP Valencia, Fro Labrador at Jayson Santos.

Aminado ang coach na marami siyang dapat na unahin at sa katunayan ay noong Nobyembre 8 pa siya nagsabi kay MPBL Commissioner Kenneth Duremdes patungkol sa kanyang pag-alis sa koponan.

“It is true sir I resigned and my coaching staff. I resigned Nov. 8,” pahayag ni Valencia sa panayam ng ABS-CBN.

“I have to attend to family matters. My other coaches have to attend to their work and business.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?