74
MPBL: Buenafe paandar sa Heroes
By

MPBL: Bawal na ang cellphone sa mga laro

Bawal na ang gumamit ng cellphone tuwing may laro sa loob ng liga ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ito ay matapos maglabas ng memorandum ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) founder na si Sen. Manny Pacquiao na nagbabawal sa paggamit ng cellphone ng mga official at player habang nasa laro upang maiwasan ang pagkakaroon ng komunikasyon na nauuwi sa game-fixing o suhulan.

“Bawal gumamit ng cellphones, kundi may fine at technical,” ani Pacquiao.

Ang naturang aksyon ng fighting senator ay nag-ugat din sa gitna ng kumakalat na gusot at umano’y ‘mismanagement’ sa mga manlalaro ng MPBL na nauuwi sa hindi nila pagtanggap ng tamang sahod bukod pa sa kahandaan ng senador na magbigay ng reward sa sinumang makapagtuturo sa kanya na opisyal na sangkot sa panunuhol o game fixing sa kanyang liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?