88

By ,

MPBL: Bataan hindi mag-aalsa balutan — Hermida

Mananatili at hindi aalis sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang Bataan Risers, taliwas sa mga balitang magpapahinga muna ang team.

“I spoke to Commissioner (Kenneth Duremdes) already. Yes, tuloy kami,” sabi ng team owner ng Risers na si Borgie Hermida.

Pero sa pagbabalik nito sa liga, mukhang ibang coach na ang hahawak dito kasabay ng pag-amin ni Jojo Lastimosa na isa na siyang ‘free agent’.

Sa ilalim ni Lastimosa, nakatungtong ang Bataan sa semifinals ng Northern Division pero kinulang lang ito para makatungtong sa kampeonato.

Bukod dito, ay naiangat rin ni Lastimosa ang last placing nito noong inaugural staging ng liga at ito ang may pinakamagandang win-loss record sa pagtatapos ng eliminations ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?