73

By

MPBL: 2 agaw ni Ludovice nagsindi sa Pasay

Hindi pumayag ang Pasay Voyagers na mapahiya sa sarili nilang balwarte at inungusan ang Mandaluyong El Tigre, 74-70, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup, Martes ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay.

Muling sinandalan ng Pasay ang kanilang dynamic duo na si Yvan Ludovice na pumoste ng 24 puntos, walong assists, anim na steals at limang rebounds katuwang si Jan Jamon na may 17 puntos, anim na rebounds at dalawang assists.

Angat ng dalawa ang Mandaluyong sa huling minuto ng laro, 70-68, pero naagaw ni Ludovice ang bola mula kay Jonathan Boholano tungo sa fast break shot sa huling 38 segundo.

Sa sunod na play ay muling naagaw ni Ludovice ang bola kay Boholano na nagresulta na naman sa puntos sa tulong ni Jamon na nagpaangat sa tropa, 72-70, may 27 segundo ang nalalabi.

May pagkakataon sana ang El Tigre na masikwat ang panalo ngunit hindi naipasok ni Jeff Javilonar ang dalawang pukol sa three-point area at ang dalawang free throws ni Ludovice ang tuluyang nagselyo sa panalo ng Pasay.

Bitbit na ngayon ng Pasay ang 6-8 na baraha sa Northern division habang ito naman ang ikaanim na sunod na talo ng Mandaluyong na tangan ang 6-7 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?