42

By ,

MPBL: 12 dikit na panalo tinarak ni Villanueva, Makati

Patuloy ang pag-angat ng Makati Super Crunch habang papalapit ang playoffs sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup.

Naiposte ng Super Crunch ang ika-12 nitong sunod na panalo matapos pabagsakin ang Navotas Clutch 96-87 sa Navotas Sports Complex.

Bumandera si dating NLEX Road Warrior Jeckster Apinan na rumehistro ng 20 puntos at 13 rebounds, habang bumakas naman ng tig-15 puntos sina Joseph Sedurifa at Cedric Ablaza.

“It’s the players’ commitment to continue winning and get better. That’s the reason why we’re successful,” sabi ni Makati coach Cholo Villanueva.

Angat sa 18-4 ang Makati kasosyo ang Manila Stars, pero mas umangat ang Super Crunch sa ikalawang pwesto dahil sa win over the rule ng liga.

Naging maganda rin ang depensa na pinakita ng Makati sa parehong dulo kaya nagawang malimitahan nito sa 38-percent shooting ang Navotas.

“We’ve not yet peaked at this time and we’re not concern about peaking too early. Joseph is one of those players who are starting to peak,” panapos ni Villanueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?