62

By

Motorsiklo bilang public transportation, lusot na sa komite sa Senado

Inaprubahan ng Senate committee on public services ang panukalang magpapahintulot sa paggamit ng mga motorsiklo bilang pampasaherong sasakyan.

Hiwalay na inakda ang Senate Bill Nos. 2173 at 2180 at Senate Resolution 993 nina Senadora Grace Poe, Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Sen. JV Ejercito.

“Kinikilala natin na ito ay alternatibo at kailangan ng transportasyon papunta sa mga main hub… kaya ito ay ikinokonsidera natin,” ani Poe na siyang chairman ng komite.

Isasapinal pa umano ito ng komite bago itulak sa Kongreso.

Sa kabila na suportado umano ni Poe ang mas murang mode of transportation, dapat umanong magkaroon ng sapat na kaalaman at training ang mga rider at mayroon din umano dapat na accident insurance ang mga pasahero nito.

“Bagama’t mayroong demand, hindi naman natin maikakaila ang inherent vulnerability ng mga motorsiklo sa mga aksidente; at dahil dito, nararapat lamang na mas matindi ang safety requirements sa motorsiklo,” saad pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?