81

By

Most wanted sa Europe, nadakma sa Cebu

Nahuli ang isa sa most wanted sex offenders sa Europe dahil sa child abuse at exploitation sa Barangay Luz, Cebu City.

Nadakip si Nelson Siacor Torayno, 32, sa inupahan nitong kuwarto, na puno ng mga litrato at mga video ng mga batang inaabusong seksuwal noong Abril 12, 2019 ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division at Philippine National Police–Women and Children’s Protection Center.

Mahaharap siya sa possession of child sexual exploitation materials “with intent to sell, distribute, publish or broadcast, committed through the use of information communications technology”.

Sa ginawang operasyon sa Cebu, walong bata rin ang na-rescue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?