557

By

Monthly allowance para sa mga senior citizen, tinutulak ni Poe

Para mabigyan ng ginhawa ang mga lolo at lola, isinusulong ni Senadora Grace Poe na magkaroon ng buwanang allowance ang mga ito.

Sa inihain niyang Senate Bill 126, na mag-aamyenda sa Republic Act No. 7432, o “Expanded Senior Citizens Act of 2010”, makakatanggap ang lahat ng senior citizens ng P1,500 kada buwan.

“Maraming taon na ang kanilang ginugol sa trabaho at pag-aalaga sa pamilya. Karamihan, hanggang sa pagtanda ay nag-aalaga ng mga apo. Bigyan natin ang ating mga lolo at lola ng malasakit at ginhawa kahit paano na nararapat sa kanila,” wika ni Poe.

Prayoridad umano nito sa unang tatlong taon ng implementasyon ang mga senior citizen na walang pensiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?