62

By

Momo ng TWICE ginulat ang mga fan

Naging maingay online ang mga K-Pop fan nang ilabas ngayon, Setyembre 11, ang individual comeback teaser ng ngayo’y “bang-less” TWICE member na si Momo.


Ito pa lang ang unang beses nilang makita ang noo ng main dancer ng grupo magmula nang mag-debut siya noong 2015.

Gulantang ang ONCE (fan club ng grupo) maging ang ibang K-Pop fan sa teaser.

“The meaning of “Feel Special” is that TWICE is making us Feel Special cause we’re seeing Momo without bangs and her forehead is showing,” saad ni piggykpop.

“Momo is very insecure about her appearance without bangs. Momo, I can tell you: YOU ARE BEAUTIFUL WITH OU WITHOUT BANGS. You’re pretty and cute like always. (emoji: tatlong magkakabit na puso),” ayon naman kay Andressa de Abreu.

“You know what’s gonna be as good as a Twice comeback? Finally getting to see Momo’s forehead uwu,” sey naman ni Nerdy Bunny.

Nagtaka rin ang mga hindi K-Pop fan dahil naungusan ni “momo” ang “#AppleEvent.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,