2,119

Feb 25, 2020 @ 14:03
By

Mommy Divine tinawag na ‘baliw’ ni Matteo

“Baliw” ang umano’y bansag ni Matteo Guidicelli sa nanay ng kanyang asawa na si Sarah Geronimo, ayon sa bodyguard ng huli.

Nang dumulog sa “Raffy Tulfo in Action” si Jerry Tamara, kinwento nito ang nangyari sa civil wedding nina Matteo at Sarah at ang umano’y pagsuntok sa kanya ng aktor.

Lahad niya, nagpupumilit si Matteo na pumasok sa silid kung saan nag-uusap sina Mommy Divine at VIVA Entertainment boss Vic del Rosario.

“‘Di ba nag-usap pa po ‘yung Boss Vic saka si Mam Divine? Nasa labas po ako. Si Sir Matteo, lapit nang lapit sa pinto, gustong pumasok,” salaysay ni Tamara kay Tulfo kahapon, Pebrero 24, 2020, sa 8:42 mark ng YouTube video.

“Ang sabi ko, ‘Sir, nag-uusap pa po ‘yung dalawa.’ Tapos may binitawan siyang pangit na salita kay Mam Divine. Sinabi niya sa’kin na ”Yung mommy ni Sarah, baliw ‘yan, baliw’,” hayag pa nito.

Una nang tinanggi ni Sarah, ayon kay del Rosario, na nangyari ang sapakan at may baril sa eksena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?