92

By

Mojdeh malaki tsansa sa SEAG

Patuloy sa pagbibigay ng mataas na lebel ng pagsasanay at kumpetisyon sa kanilang mga manlalangoy ang Swimming Pinas, binubuo ng elite swimmers ng Philippine Swimming League (PSL), para sa hangaring makalikha ng bagong bayani sa sports.

Ayon kay Swimming Pinas team manager Joan Mojdeh, wala pang sapat na budget ang grupo pero malaki ang potensiyal ng kanilang mga miyembro na makapagbigay ng karangalan sa bansa sa mga darating na panahon.

“Malaki po ang potential ng aming mga swimmer na makasama sa National Team in the future, hopefully makalangoy sila this coming SEA Games,” sambit ni Mojdeh sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports Huwebes sa National Press Club.

Kumpiyansa naman si coach Virgie De Luna sa mapabilang ang Swimming Pinas swimmers sa National Team kasunod ng magandang pakita sa katitiklop lang na Palarong Pambansa sa Davao City.

“All our swimmers won medals in just concluded Palarong Pambansa led by Micaela Jasmine Mojdeh who broke two junior national records and Marc Dula,” ani De Luna.

Bukod kina Mojdeh at De Luna, kasama ring bumisita sa linguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, PAGCOR, Community Basketball Associatgion at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde ang iba pang miyembro ng Swimming Pinas na sina Julia Basa, Triza Tabamo, Marcus Dekam, Jules Mirandilla, John Neil Paderes, Jordan Ken Lobos, at Joco Delizo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?