702

Mar 29, 2020 @ 11:53
By

Mobile ATM kinaaliwan ng mga netizen

Natuwa ang madla sa inisyatibo ng isang bangko na rumorondang automated teller machine (ATM) sa kasagsagan ng lockdown sa Luzon at iba pang parte ng bansa.

Ilang barangay na sa Caloocan ang nalibot ng “Bank on Wheels” ng Philippine National Bank.




Hanga ang mga netizen, habang may iba na humiling na sana mas magtagal ang mobile bank sa kada lugar na pinupuntahan.

Roxanne Rox: “Ito ang gusto ko!”

Czarina Lopez: “Sana all at sana all may pang withdraw.”

Nestor Sotto: “Congrats! Yan ang serbisyo na kailangan ng taong bayan sa mga ganitong klase at uri ng sitwasyon.”

Una rito, kinasa ng Union Bank of the Philippines ang kanilang “Banking on Wheels.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?