61

By

MMDA binalaan ang mga motorista sa traffic sa SEAG

Sa unang Linggo pa lang ng Nobyembre ay nagbigay na ng babala ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na iwasan ang mga choke point na posibleng daanan ng mga manlalaro, delegado at manonood ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games na magaganap sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Kasabay nito ang papapakalat ng mahigit 2,000 traffic enforcer sa Metro Manila at ang pag-standby ng mga patrol motorcycle, mobile-car escort, ambulance at tow truck sa panahon ng pangangailangan.

Nauna na ring inanunsyo ng ahensya ang ‘stop-and-go’ traffic scheme na isasagawa sa panimula ng palaro upang masigurado na makarating sa oras ang mga atleta at delegado sa kani-kanilang mga destinasyon.

“Wala ho tayong guguluhin sa regular traffic na nararanasan sa EDSA or other primary roads. Patitigilin lang po sila kapag nandiyan na ‘yong convoy. Paglagpas ng convoy, balik-normal na ho ang sitwasyon,” ayon kay MMDA Assistant Secretary Celine Pialago.

Nirerekomenda ng MMDA sa mga motorista na iwasan ang mga sumusunod na lokasyon: sa SLEX northbound, Mindanao Avenue-North Avenue hanggang NLEX, Quezon City, Roxas Boulevard corner G. Puyat (Buendia) Avenue, Roxas Boulevard corner P. Ocampo Street, Roxas Boulevard P. Burgos Street, Taft Avenue corner P. Ocampo Street, Adriatico RMSC Area, Quirino Avenue corner Adriatico Street, Manila, Shaw Boulevard corner Pioneer Street, Pasig City, N. Domingo-FilOil, San Juan City at sa Lawton Avenue corner Bayani Road, Taguig City.

Asahan na rin umano abala ang traffic sa Rizal Memorial Sports Complex, Cuneta Astrodome, SM Mall of Asia Arena, World Trade Center, Philippine International Convention Center Forum, SM Megamall, Filoil Flying V Centre, Filinvest City, University of the Philippines Diliman Gym, Marine Corps, Muntinlupa Sports Complex, Makati Coliseum, Manila Hotel tent, SM Megamall Ice Rink, World Trade Center, Philsports Arena, Amoranto Sports Complex at Manila Polo Club.

Inaasahan din ng MMDA na mapupuno ang mga sumusunod na venue o lugar sa pag-uumpisa ng palaro kaya nirerekomenda nilang huwag munang bumiyahe rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?