245

By

MJ Perez sasaklolo sa F2 Logistics

Muling magbabalik sa Philippine SuperLiga si Venezuelan skipper MJ Perez para sa dati nitong koponan na F2 Logistics Cargo Movers sa PSL Grand Prix 2019 na dumating nitong weekend sa bansa.

Papalitan ni Perez si opposite spiker reinforcement Rebecca Perry para lalo pang mapalakas ang koponan kasama si Lindsay Stalzer dahil narin sa mga multi-injured player nang koponan kagaya ni Cha Cruz-Behag, Kim Kianna Dy at Kim Fajardo.

Tinanghal noon si Perez bilang Most Valuable Player ng masungkit ng koponan ang 2017 PSL Grand Prix championship laban sa Petron Blaze Spikers.

Masasaksihan ang pagbabalik ni Perez sa Marso 28 kalaban ang Foton Tornadoes na gaganapin sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Samantala, wala pang inilalabas ng rason kung bakit papalitan si Perry sa gitna na on-going tournament.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?