5,868

By

MJ Lastimosa panay ang hubad sa social media

Hindi talaga pumapayag si MJ Lastimosa na walang iiwang bakas ng kanyang alindog.

May remembrance siya sa bawat bansa na pinupuntahan, lalo na sa mga island resort.

Keber niya sa mga malalamig na lugar. Dedma siya sa hampas ng hangin kahit nangangatal na siya.

Si MJ lang ang natatanging beauty queen na laging naghuhubad sa lahat ng mga posting niya sa social media.

Basta’t nasa swimming pool, dagat o ilog ay laging nag-i-emote sa kanyang skimpy bikini wear.

Nag-fiesta na ang kapaligiran sa hubad niyang katawan.

Kay MJ dapat ipamana ni Lorna Tolentino ang kanyang titulo noong dekada 80’s bilang “Pictorial Queen”.

Nabansagan si LT ng mga reporter noon dahil halos hindi nawawalan ng pictorial session ang aktres.

At ngayong uso ang social media at cellphone cameras, kahit sino ay puwede nang kunan ng larawan ang kanilang mga sarili.

Gaya na lamang ni MJ na hindi nawawalan ng pose sa IG at pagpapakita ng kanyang pamatay na cleavage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?