23

Feb 13, 2020 @ 18:11
By

Mister nirapido sa harap ng misis

Todas ang isang mister makaraang pagbabarilin sa harap ng kaniyang misis ng tatlong di-kilalang lalaki na magkakaangkas sa isang motorsiklo sa Quezon City, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni PCpl. Rodney Bay-os, imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima na si Valentine Baltazar Guerrero, 27-anyos ng Brgy. Batasan Hills, QC.

Sa inisyal na report, dakong alas-12:40 ng madaling araw (February 13) ay nagpahatid sa tricycle ang biktimang si Guerrero kasama ang misis na si Janine at nakipagkita sa kaibigang nakilala lamang na “Carlo” sa Munoz St., sa nasabing barangay.

Ayon sa misis, habang nag–uusap ang kanyang mister at si Carlo ay bigla na lamang sumulpot ang isang motorsiklo na lulan ang tatlong suspek at pinagbabaril ang asawa.

Sa takot ay napatakbo papalayo si Janine at si Carlo, at nilapitan na lamang ang biktima nang makitang umalis na ang mga suspek.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaril upang makilala ang mga salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?