174

By

Mister ni Dimples Romana dumura ulit ng dugo

Muling itinakbo sa ospital ang asawa ni “Kadenang Ginto” star Dimples Romana.

Sa kanyang Instagram post, binalita ni Dimples ang muling pagdura ng dugo ng kanyang mister na si Boyet Ahmee.

Anang aktres, nasa taping siya hatinggabi ng Dec. 15 nang i-text siya ng kanyang anak na si Callie matapos umubo na may kasamang dugo si Boyet.

Nagdesisyon siyang tapusin ang huling scene niya sa shooting at tinawagan na lang niya ang kanyang kapatid para dalhin ang kanyang asawa sa ospital.

Nagpasalamat siya sa suporta ng kanilang mga kaanak at kaibigan.

Stable naman aniya at nagpapagaling na ang kanyang mister.

“He’s now stable and on his way to recovery. Again, thank you all for your prayers. Akala ata ng mga pagsubok na ito, kaya nila ako! Huy, pagsubok, wala ka sa Panginoon ko! We got this Myluv @boyetahmee sending all my love and appreciation to everyone at @themedicalcity for taking good care of us, as always!” bahagi ng post ni Dimples.

View this post on Instagram

Missing out 2 parties for my KG family and Swak na Swak family tonight 😢 At 12mn kanina habang nasa taping ako in Qc for KG, I received a text message from @callieahmee na I should check on my hubby because she saw him spitting blood again. She was crying and I got so worried. And after that tough time we had a week ago, we were all nervous to go through it again. Told my bosses in KG right away and they were all very gracious and concerned and told me naman to leave if I really have to dahil para sa aming lahat- family first. But I decided to stay and finish the last few scenes and called my brother to take my husband to the hospital instead. Thank you ate @carlmerced @caticaticatzzzzzz @cherry_arollado Direks @jojosaguin @korekkajohn and sir @montie08 for all the love and support all throughout this whole trying journey the past weeks, I love you all. Buti na lang, I have these people behind me who made way to help me out and make me feel secured and relieved na ngayon, mangyari man ulit, Hindi na ako magiisa. Salamat @bamromana @krisellevillanueva @anishavillanueva for driving the fastest way you can to get your KUYA to the hospital and in time for the good doctors to see him. And sa aming Darna @therealangellocsin nilipad mo ang @themedicalcity Salamat sa pagmamahal na maasahan forever. Balita ko, minamasahe mo pa feet ni Boyet, I can just imagine yung hiya nya haha Salamat sa pagSama sa akin, sa paghila sa akin sa mga pgkakataon nanghihina ako, sa pagsama sa pamilya ko habang hindi pa ako makarating, sa pagasikaso sa lahat habang bagsak ako from taping, sa pagpilit sa aking kumain, sa pakikipaglaro kay Alonzo habang may inaasikaso ako, sa lahat ng suportang walang pagaalinlangan At pagaatubili, Salamat. Mahal na mahal ka namin. Ate @faeldonia519 Salamat!💋@boyetahmee had bleeding again and had to be rushed to the ER and after an hour, OR again. He’s now stable and on his way to recovery. Again, thank you all for your prayers. Akala ata ng mga pagsubok na ito, kaya nila ako! Huy, pagsubok, Wala ka sa Panginoon ko! We got this Myluv @boyetahmee 💪🏼 sending all my love and appreciation to everyone at @themedicalcity for taking good care of us, as always!

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on


Magugunitang Dec. 3 nang dalhin sa ospital si Boyet dahil sa pagsuka ng dugo.

Nasobrahan umano ito ng kain. Katatapos lang kasi ng operasyon nito at hindi pa gaanong magaling ang lalamunan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?