58

Feb 16, 2020 @ 14:32

Mister nagselos sa Valentines’ Day, nagpakamatay

Halo-halong emosyon ng galit, awa sa sarili, depresyon at selos ang posibleng nagtulak sa isang dating OFW na mister na tapusin na lamang ang buhay sa loob ng kanilang bahay sa Calamba City, Laguna noong mismong Valentines’ day.

Laking gulat ng misis ng biktimang si Renato, nang makita itong wala ng buhay at nakabitin sa kuwarto sa attic ng kanilang bahay dakong alas-11:00 ng gabi.

Ayon sa misis na si Josephine Garcia Magno, nadatnan na nito ang kanyang mister na nag-sosolong nag-iinom sa kanilang bahay.

Nagalit umano ang biktima sa misis dahil sa pag-uwi nito ng malalim na ang gabi kaya nagkaroon ng maiksing pagtatalo ang mag-asawa.

Pero nagpaalam din kaagad ang biktima na matutulog na umano sa attic ng bahay kungsaan ito natagpuan nagpakamatay.

Ayon pa sa pamilya, gabi-gabi na lang umanong nag-iinom ang biktima simula nang umuwi buhat sa ibang bansa kung saan nagsimula ang problema ng kanilang pamilya nang magkaroon umano ito ng ibang karelasyong babae sa abroad.

Bandang huli, nagseselos na rin ito sa kanyang misis at naghihinala na mayroon din itong ibang lalaking karelasyon.

Lagi rin umano nitong kinagagalitan ang kanilang mga anak kapag nalalasing at nagsasabi na mabuti pa aniyang matapos na lang ang kanyang buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?