118
Miss U 2017 Demi-Leigh, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kapatid
By

Miss U 2017 Demi-Leigh, nagdadalamhati sa pagpanaw ng kapatid

Malungkot na ibinalita ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters ang pagyao ng 13-anyos niyang kapatid noong Sabado.

Nasawi dahil sa rare condition na cerebellar agenesis si Franje.

Dahil sa naturang sakit, nalimitahan ang abilidad ni Franje na mag-develop, magsalita at lumakad.

Sa Instagram, binigyan ni Demi-Leigh ng tribute ang kaniyang kapatid.

“Our hearts are aching beyond measure but I am grateful knowing she’s forever relieved of the pain she experienced on earth,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?