242
miss-manila
By

Miss Manila 2018, ipinakilala na!

Ipinakilala na sa media ang thirty two beauties para sa gaganaping Miss Manila 2018 pageant.

Ang press presentation ay ginanap sa Bulwagan ng Manila City Hall kaninang hapon. Dinaluhan ito ng former President and now Manila City Mayor na si Hon. Joseph “Erap” Ejercito Estrada, kasama ang Chairwoman ng MARE Foundation at pageant director na si Ms. Jackie Ejercito.

Ang thirty two official candidates ay sina Esel Mae Pabillaran, Lux Coleen Brusas, Charlotte Jhiza Beleno, Genesis Durana, Elaine Contreras, Kristi Celyn Banks, Ria Angelique Siozon, Julee Anne Mae Babrera, Kayla Fajardo, Paulina Labayo, Malka Suaver, Ma. Flordeliza Mabao, Katrina Racelis, Dyan Shane Mag-abo, Leitz Camyll Ang, Therese Marie Marguerette Gaston, Lois Sta. Maria, Maria Lianina Macalino, Nikki Lim Sotelo, Agatha Lei Romero, Sheika Hanna Galang, Christine Roazol, Joanna Day, Angelique Mae Santos, Kathleen Joy Paton, Juliee Ann Forbes, Zeta Erin Alegre, Joan Patrice Dulina, Georgette Coronacion, Samantha Elin Coloso, Beatriz Canary Tolentino at Lean Dominique Lalu.

Ang coronation night ay magaganap sa Reception Hall ng Philippine International Convention Center (PICC) sa June 26, sa ganap na ika-8 ng gabi.

Ipalalabas naman ito sa Sunday’s Best ng ABS-CBN pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice” sa July 1 at produced ito ng Viva Live.

Ang winner ng Miss Manila 2018 ay mag-uuwi ng prize package na P1 milyon (P500K cash at P500K contract worth mula sa Viva Management; P350K para sa first runner-up; P250K para sa second runner-up; P150K cash sa third runner-up; at P100K for the fourth runner-up.

The winner will also represent the City of Manila in different functions and events.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?