3,483
Misogynist! Vice Ganda nanggalaiti kay Tito Sotto
By

Misogynist! Vice Ganda nanggalaiti kay Tito Sotto

Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kontra LGBTQ+ at SOGIE Equality Bill.

Ayon kay Sotto, kailanman ay hindi magiging babae ang isang taong ipinanganak na lalaki dahil sa wala umano itong kakayahang manganak.

“If you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce. You cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman. So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights,” saad ni Sotto.

Sa Instagram post ni Vice Ganda ay inalmahan niya ang naturang pahayag ni Sotto.

Aniya, hindi umano ito patas dahil ang sinasabi nito ay pagtapak din sa dignidad ng mga tunay na babae.

Binira ni Vice Ganda ng sandamakmak na tanong si Sotto kaugnay ng kaniyang pahayag.

“Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto ??? Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?” ani Vice.

“E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di na po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE? O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKAKABABAE?” dagdag pa niya.

View this post on Instagram

Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto ??? Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak? E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di na po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE? O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKAKABABAE? Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magka-anak? Ano po sila? Di na din sila BABAE? Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE? At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang mga personal na rason? Di na din ba sila matatawag na BABAE? Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay? Di na din sila BABAE? Ano na po sila? Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila? Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE. Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE. At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE. Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE. Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero i believe this statement is just not fair. There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

Saad ng It’s Showtime host, ang ginawang pangmamaliit ni Sotto sa mga transwoman ay katumbas na rin umano ng pag-apak nito sa dignidad ng mga totoong babae.

“Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE. At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE. Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE.”

“There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS,” giit pa ni Vice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?